top of page

Tagabunsod

Page under construction.

 Ako't aking mga kaibigan

Magkakapatid ang turingan

Wala nang bubuwag sa samahan

Na nabuo sa paaralan

 

Sa klase laging maingay 

Kay titser laging pasaway

Lagi mang napapaaway 

Tawa na lang sabay tambay

 

Sa magulang ma'y mapagalitan

Pangako sana'y wag kaligtaan

Bawal sa'tin ang laglagan

Atin yang pakatandaan

 

Sa mga paglipas ng panahon

Dumaan man maraming taon

Sulitin mga pagkakataon

Ating harapin ang mga hamon

 

Pagtibayin ang ating samahan

Lumipas man ang araw at ang buwan

Hanggang sa dulo ng walang hanggan

Kaibigan wala nang iwanan

 

 

SAMAHANG TUNAY

by John Allen Fontalba

Tagabunsod

bottom of page